MEDICAL ASSISTANCE: Mga dokumentong kailangan sa pagproseso ng DSWD Medical Assistance


Para sa Medical Assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), maaari pong makipag-ugnayan sa DSWD Field Office o SWAD Office na nakakakasakop o pinakamalapit sa inyong lugar mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 A.M. hanggang 5:00 P.M., para maproseso ang inyong hinihinging tulong. Siguraduhin po lamang na kumpleto ang mga kinakailangang dokumento tulad ng mga sumusunod: 

ORIHINAL O CERTIFIED TRUE COPY NG MGA SUMUSUNOD: 

PARA SA HOSPITAL BILL:

1.Medical Certificate/ Clinical Abstract/ Medical Abstract na may kompletong pangalan na doctor, lisensya at pirma. (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor) 
2. Statement of Account (SOA) o Hospital Bill na may buong pangalan at pirma ng billing clerk ng ospital. (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor) 3.Endorsement Letter mula sa hospital 
 4.Promissory Note (PN) na may buong pangalan at pirma ng credit and collection officer, kung ang pasyente ay nakalabas na ng ospital. (Siguraduhin lamang po na magkapareho ang halaga ng balanse na nakasulat sa PN at sa SOA) 5.Dalawang kopya ng valid ID ng magpoproseso 
6. Photocopy ng ID ng pasyente 7.Social Case Study Report na makukuha sa City/Municipal Social Welfare and Development Office kung saan kayo residente o sa Medical Social Service ng ospital. 8.Awtorisasyon ng pasyente at kopya ng kanyang valid ID (kung hindi mismo ang pasyente ang naglalakad at kung di mismo magulang o anak ng pasyente ang maglalakad) 

PARA SA GAMOT: 
 
1.Original Medical Certificate/ Clinical Abstract/ Medical Abstract na may kompletong pangalan ng doctor, lisensya at pirma. (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng  buwan simula ng itong nairelease ng doktor) 
2. Reseta ng mga gamot na may kompletong pangalan ng doktor, lisensiya at pirma (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor) 
3. Dalawang kopya ng valid ID ng nagpoproseso 
4. Photocopy ng ID ng pasyente
5. Awtorisasyon ng pasyente at kopya ng kanyang valid ID (kung hindi mismo ang pasyente ang naglalakad at kung di mismo magulang o anak ng pasyente ang maglalakad) 

PARA SA LABORATORY REQUEST O MEDICAL PROCEDURE: 

1. Original Medical Certificate/ Clinical Abstract/ Medical Abstract na may kompletong pangalan na doctor, lisensya at pirma. (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor) 
2. Laboratory request na may kompletong pangalan ng doktor, lisensiya at pirma. (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor) 
3. Dalawang kopya ng valid ID ng magpoproseso 
4. Photocopy ng ID ng pasyente 5.Awtorisasyon ng pasyente at kopya ng kanyang valid ID (kung hindi mismo ang pasyente ang naglalakad at kung di mismo magulang o anak ng pasyente ang maglalakad) 


PARA SA IMPLANT DEVICE: 

1. Original Medical Certificate/ Clinical Abstract/ Medical Abstract na may kompletong pangalan na doctor, lisensya at pirma. (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor) 
2. Reseta ng bakal na may kompletong pangalan ng doktor, lisensiya at pirma. (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor) 
3. Quotation mula sa supplier kung saan bibilhin ang implant. May petsa at buong pangalan at pirma ng representative ng supplier. 
4. Dalawang kopya ng valid ID ng magpoproseso
5. Photocopy ng ID ng pasyente 6.Social Case Study Report na makukuha sa City/Municipal Social Welfare and Development Office Awtorisasyon ng pasyente at kopya ng kanyang valid ID (kung hindi mismo ang pasyente ang naglalakad at kung di mismo magulang o anak ng pasyente ang maglalakad)

 PARA SA THERAPY: 

1. Original Medical Certificate/ Clinical Abstract/ Medical Abstract na may kompletong pangalan na doctor, lisensya at pirma. (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor)
2. Request ng therapy (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor) 
3. Quotation ng therapy 
4. Dalawang kopya ng valid ID ng magpoproseso 
5. Photocopy ng ID ng pasyente
6. Social Case Study Report na makukuha sa City/Municipal Social Welfare and Development Office kung saan kayo residente o sa Medical Social Service ng ospital. 7.Awtorisasyon ng pasyente at kopya ng kanyang valid ID (kung hindi mismo ang pasyente ang naglalakad at kung di mismo magulang o anak ng pasyente ang maglalakad) 

 PARA SA CHEMO DRUGS OR CHEMO MEDS: 

1. Original Medical Certificate/ Clinical Abstract/ Medical Abstract na may kompletong pangalan na doctor, lisensya at pirma. (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor) 
2. Treatment Protocol or reseta (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor) Quotation 3.Dalawang kopya ng valid ID ng magpoproseso
4. Photocopy ng ID ng pasyente 5.Social Case Study Report na makukuha sa City/Municipal Social Welfare and Development Office kung saan kayo residente o sa Medical Social Service ng ospital. 6.Awtorisasyon ng pasyente at kopya ng kanyang valid ID (kung hindi mismo ang pasyente ang naglalakad at kung di mismo magulang o anak ng pasyente ang maglalakad) 

 PARA SA DIALYSIS: 

1. Original Medical Certificate/ Clinical Abstract/ Medical Abstract na may kompletong pangalan na doctor, lisensya at pirma. (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor) 
2. Reseta (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor) Quotation 
3. Dalawang kopya ng valid ID ng magpoproseso
4. Photocopy ng ID ng pasyente 5.Social Case Study Report na makukuha sa City/Municipal Social Welfare and Development Office kung saan kayo residente o sa Medical Social Service ng ospital. 6.Awtorisasyon ng pasyente at kopya ng kanyang valid ID (kung hindi mismo ang pasyente ang naglalakad at kung di mismo magulang o anak ng pasyente ang maglalakad)

Para sa karagdagang mga katanungan, klaripikasyon at follow-up, maaari pong mag-email sa Crisis Intervention Division (CID): ciu@dswd.gov.ph o tumawag sa kanilang hotline numbers: 8-951-7433, 8-962-2813, Trunk Lines: 8-931-81-01 to 07 at i-dial ang local number: 10140, 10143, 10144, at 10235. 

PAALALA: Ito ay gabay lamang para sa inyong mga requirements na dapat ihanda kung kayo po ay tutungo tanggapan at para sa mga nakakuha na po ng tulong sa kahit saang DSWD (NCR, Batasan o ibang rehiyon) na wala pang tatlong buwan ang lumipas, ay hindi pa po maaaring kumuha muli. At kung ang inyong ospital ay sakop ng Malasakit Center, mas mabuting dumiretso po kayong pumunta sa Medical Social Service (MSS) ng ospital para ma-endorso sa DSWD desk ng Malasakit Center na nasa mismong ospital at mangyari pong sundin ang kanilang tagubilin at tamang proseso na ibibigay.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

KAILAN PWEDE I-WITHDRAW ANG PAG-IBIG CONTRIBUTION?

SSS CONSO LOAN