Benepisyo ng Pagkabalda (Disability benefit)


SINO ANG KWALIPIKADO?

Ang isang member na nabalda (bahagya o ganap) na may isang buwang hulog na kontribusyon bago ang semestre ng disability

ALIN ANG ITINUTURING NA PERMANENT PARTIAL DISABILITY?

Pagkawala ng alinman sa mga sumusunod na bahagi ng katawan:

•Isang hinlalaki ng kamay o paa
•Isang hintuturo
•Isang hinlalato
•palasing singan
•Isang hinliliit
•Isang kamay
•Isang braso
•Isang paa
•Isang binti
•Isa o dalawang tainga
•Pagkawala ng pandinig ng isa o dalawang tainga
•Pagkawala ng paningin o pagkatanggal ng isang mata

MGA ITINUTURING NA PERMANENT TOTAL DISABILITY:

Ganap na pagkabulag ng dalawang mata
•Pagkaputol ng dalawang braso o binti
•Permanente o ganap na pagkaparalisa ng dalawang braso o binti
•Pagkapinsala ng utak na naging sanhi ngpagkasira ng isip
•Iba pang mga kaso na itinuturing ng SSS na lubusang pagkabalda


Mga basic na dokumento

1. Disability claim application form

2. Photo and signature form ng miyembro (para sa initial claims lamang)

3. SSS medical certificate form na pinunan ng kanyang attending physician sa loob ng anim na buwan mula sa petsa ng pagfile ng claim

4. Supporting medical records (certified true copy) 

5. SSS card o ibang valid id cards/dokumento ng miyembro gaya ng mga sumusunod:
A.     •SSS card
          •Umid card
          •PRC card
          •Passport
          •Seamans book (Seafarers identification & record book)

B. Alinmang Government-issued id/dokumento

Iba pang kailangang dokumento

Paano binabayaran ang isang kwalipikadong miyembro na nag file ng disability benefit?.


Ang halaga ng monthly pension ay ibinabatay  sa bilang ng kontribusyong naibayad at sa tagal ng pagiging member bago ang semestre ng pagkabalda. ito ay binabayaran sa pamamagitan ng personal bank account ng member.

MAGKANO ANG HALAGA NG LUMPSUM AMOUNT?

*PARA SA MEMBER NA GANAP ANG PAGKBALDA :Ang kabuuang halaga ng benepisyo ay katumbas ng buwanang pensiyon na kasing -dami ng buwanang  kontribusyong nabayaran sa SSS,o labindalawang (12) beses ng buwanang pensiyon(12xmonthly pension) alinman ang mas mataas sa dalawa ang siyang magiging halaga ng kabuuang benipisyo ng miyembro.

*PARA SA MEMBER NA MAY PERMANENTE AT BAHAGYANG PAGKABALDA:
Ang kabuuang halaga ay katumbas ng buwanang pensiyon na kasing-dami ng buwanang kontribusyon at ng grado ng pagkabalda (ang pagbabatayan ay buong katawan) ; O labindalawang beses sa buwanang pensiyon at porsyento ng pagkabalda. Alinman sa dalawa ang mas mataas ay siyang magiging halagang kabuuang benepisyo.

Simula Mayo 2016 May pagpipilian na ang miyembro kung nais na niyang matanggap ang kanyang kabuuang benepisyo para sa SSS at EC disability,SSS death at Retirement sa pamamagitan ng bank account.

Maliban sa benepisyo ng pagkabalda makakatanggap din ang pensiyonado sa pagkabalda ng P1,000 additional benefit. ito ay bukod pa sa P500 supplemental allowance.

Ang menor de edad na lihitimo,pinalehitimo o legal na inampon at lihitimong anak ,na pinagbubuntis bago o sa petsa ng pagkabalda ng ganap na baldadong pensiyonado ay makakatanggap ng dependents pension na katumbas ng 10% ng buwanang pensiyon ng member. Ang dependents pensiyon ay matitigil sa sandaling ang anak ay umabot na ng 21 years old,nag-asawa,nakapagtrabaho o namatay.

KUNG ANG GANAP NA BALDADONG PENSIYONADO AY NAMATAY 
Ang kanyang pangunahing benepisaryo ay makakatanggap ng 100% ng buwanang pensiyon at ang mga menor-de-edad na anak ng dependents pension subalit hindi na makakatanggap ng supplemental allowance.














Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

May Separation pay ba pag nag-resign?

KAILAN PWEDE I-WITHDRAW ANG PAG-IBIG CONTRIBUTION?

SSS CONSO LOAN