Mga Dokumentong kailangan sa Pag-update ng Personal SSS Records
Mahalagang kumpleto,tama,at updated ang SSS Personal records ng miyembero para sa
☑️Mabilis na pagproseso ng benefit application
☑️Siguradong tamang benepisaryo ang tatanggap ng benepisyo
🟢MGA PARAAN NG PAG-UPDATE NG SSS RECORDS:
☑️Mag log-in sa My.SSS sa website (www.sss.gov.ph) o sa SSS Mobile app
☑️Gumamit ng Self-Service Terminal (SET) sa E-Center ng SSS branches
🟢PAGWAWASTO NG DATE OF BIRTH O PANGALAN (requirements)
☑️Birth certificate o passport
☑️Kung wala nito, Certificate of Non-Availability of Birth Records at Umid card o dalawang valid IDs
☑️Bagong Marriage contract/certificate kasama ang alinman sa mga sumusunod na naaangkop:
▶️Death certificate ng dating asawa
▶️Certificate of Finality of Annulment /Nullity
▶️Court order ng Declaration ng Presumptive Death
▶️Decree of Divorce at Certificate of Naturalization
▶️Certificate of Divorce (OCRG Form No. 102)
🟢PAGBABAGO NG CIVIL STATUS (requirements)
☑️Marriage contract/Certificate o (kung ikinasal)
☑️Decree of legal separation (kung legal na hiwalay)
☑️Death Certificate ng asawa o Court order ng Declaration of Presumptive Death (kung patay na ang asawa)
🟢PARA SA PAGREREPORT NG BENEPISARYO
☑️Marriage Contract/Certificate kung asawa
☑️Birth/Baptismal/o Certificate o Decree of Adoption kung anak
🟢PAGTATANGGAL NG BENEPISARYO
☑️Death Certificate kung asawa o magulang
☑️Kung asawa lamang alinman sa mga sumusunod
▶️Decree of Legal Separation
▶️Certificate of Finality of Annulment/Nullity
▶️Annotated Marriage Contract /Certificate
▶️Court order ng Declaration of Presumptive Death
▶️Certificate of Divorce (OCG Form No.102)
🟢PAG-UPDATE NG MEMBER MULA SA TEMPORARY TO PERMANENT
☑️ Birth Certificate o Passport
☑️Kung wala nito, UMID Card o dalawang valid IDs
(ito ay para sa mga member na kumuha ng SSS number online)
ANG PAG-UPDATE NG
☑️Contact number
☑️E-mail address at
☑️Mailing address
Ay pwede na gawing online,mag log -in lang sa website (www.sss.gov.ph) or sa SSS App.
Mag aapdate po ako ng address at contact number at mag addition ng indigent benificiaries need ko dw po mgpasa ng 2 valid id's pano po pag Isa plang ung id ko Tin I'd Lang po ano pd gawin or ipasa?
TumugonBurahin