PATERNITY LEAVE; Sinong kwalipikado at saan ito pina-file?
Ang PATERNITY LEAVE ay nakasaad sa REPUBLIC ACT 8187 o ang PATERNITY LEAVE ACT of 1996
Ito ay ibinibigay sa isang lalaking kasal, empleyado sa public o private sector, ito ay ( 7 )pitong araw na leave with pay, Ang employer ang nagbabayad nito di kagaya sa maternity na SSS ang nagbabayad. Ang Paternity ay 60 days pwedeng i-claim pagkapanganak, Di pwede itong i-convert sa cash kung di nanaisin ng ama na mag file, ito ay magiging forfeited na.
PAANO ITO I-FILE?
Mag notify sa Hr ng kumpanya at mag fill-up ng Paternity leave form i-attach ang kopya ng marriage cert./contract.
Pagkapanganak, kailangang mag submit ng birth certificate/death o medical certificate kung nakunan.
Ang kumpanya o employer na di magpatupad o lumabag sa batas na ito ay maaaring magmulta hanggang 25,000 o pagkakakulong ng 30 araw at di hihigit sa 6 na buwan. Pwede itong idulog sa DOLE.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento