Sinong dapat makatanggap ng 13th MONTH PAY?
ANO ANG 13TH MONTH PAY?
Sabik na ba ang bulsa at gusto nang hilahin ang petsa sa buwan ng Disyembre?
ANG 13TH MONTH PAY ( Presidential Decree 851) ito ay benepisyong salapi na katumbas ng monthly basic pay na natatanggap ng isang empleyado. Lahat ng karaniwang manggagawa (rank-and-file) kahit ano pang nature ng employment kasama ang Domestic workers na nakapagsilbi ng di bababa sa isang buwan ay dapat makatanggap nito.
PAANO ANG PAG COMPUTE NG 13TH MONTH PAY?
Kinkumpyut ito nang PRO RATA ayon sa bilang ng buwan na nanilbihan ang isang empleyado sa isang taon. Pagsasama-samahin ang batayang sahod sa loob ng isang taon at hahatiin ito sa 12. Kung naka isang taon o higit pa sa trabaho kompyutin ang sahod mula ENERO hangang DISYEMBRE at hatiin sa 12. Kung di pa naman nakakaisang taon, kompyutin ang sahod mula buwan na nag umpisa hangang disyembre at hatiin sa 12.
Kasama sa pag kompyut sa batayang sahod ang mga bayad o kita ng empleyado kagaya ng cost-of-living allowance subalit di kasama dito ang mga sumusunod na benepisyong pera na hindi itinuturing na bahagi ng regular o batayang sahod tulad ng:
🤰 Maternity leave
🏖️ Vacation Leave
🤒 Sick Leave
⌚ Overtime
🌃 Night differential
💰 Allowance
💥 Holiday Pay
Dapat makakuha rin ng 13th month Pay ang isang empleyado kahit nag resign o tinanggal sa trabaho basta't nakapasok ng isang buwan .
Sa ilalim ng Train Law ang 13th month Pay at iba pang bonuses ay di taxable basta di ito lalampas ng P90,000.
(Sana all)
Paano po kung pinagresign nila ako imbes na ibalik sa talagang company na pinapasukan ko,,
TumugonBurahin