Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2020

SSS NON-WORKING SPOUSE

Imahe
PARA MAGING MIYEMBRO NG SSS ANG ASAWA NA WALANG TRABAHO DAPAT AY: ☑️Legal na kasal sa isang sss member na employed, self-employed o OFW, na mayroong hulog na kontribusyon sa loob ng 6 na buwan bago ang petsa ng pagpaparehistro ng Non-working spouse. ☑️Hindi pa nagiging miyembro ng SSS ☑️Hindi lalagpas sa 60 taong gulang Ang Non-working spouse (NWS) na wala pang SSS number ay dapat magpa rehistro o kung may dati ng SSS number (bilang Prior Registrant) at nais maging NWS, kailangang magpa rehistro gamit ang Member Data Change Request Form (SS Form E-4). Ang pirma ng asawang may trabaho, self-employed o OFW ay kailangan upang ipakita ang kanyang pagpayag sa pagiging miyembro ng kanyang asawa bilang Non-Working Spouse. KINAKAILANGANG ID CARDS/DOKUMENTO PARA SA PAGKUHA NG SSS NUMBER 1.Birth Certificate 2.Kung walang birth certicate alinman sa mga sumusunod: ☑️Baptismal Certicate  ☑️Driver's License ☑️Passport ☑️PRC Card ☑️Seamans Book (Seafarer's Identificati

BATAS KASAMBAHAY: Sinong Saklaw at Di Saklaw ng Batas

Imahe
Noong ika-1 ng Setyembre 1993, sa ilalim ng Republic Act ( RA) No. 7655, sinimulang ipatupad ang sapilitang pagsaklaw ng Social Security System  ( SSS) sa mga kasambahay. Lalo pang pinagtibay ang misyon ng SSS na makapagbigay ng proteksyon sa mga kasambahay nang isabatas noong Enero 18,2013  ang Republic Act 10361 o mas kilala bilang ' BATAS KASAMBAHAY'. Sino ang kasambahay na saklaw ng batas? Lahat ng kasambahay na hindi higit sa 60 taong gulang at tumatanggap ng buwanang sahod na di bababa sa 1,000. nagtatrabaho ng mga pantahanang gawain tulad ng mga sumusunod: a) Karaniwang kasambahay (maglinis,magluto,maglaba,mag-alaga ng bata/matanda,namamalantsa,nag-aayos ng hapag-kainan b) yaya c) kusinero/kusinera d) hardinero e) labandera f) kasambahay na bata na may edad na labing-lima (15) hangang labing-walong (18) taong gulang g) sinomang may kinalaman sa gawaing bahay na regular at palagian nyang hanapbuhay MGA DI SAKLAW NG BATAS ang mga sumusunod: a)  kas