BATAS KASAMBAHAY: Sinong Saklaw at Di Saklaw ng Batas
Noong ika-1 ng Setyembre 1993, sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 7655, sinimulang ipatupad ang sapilitang pagsaklaw ng Social Security System (SSS) sa mga kasambahay. Lalo pang pinagtibay ang misyon ng SSS na makapagbigay ng proteksyon sa mga kasambahay nang isabatas noong Enero 18,2013 ang Republic Act 10361 o mas kilala bilang 'BATAS KASAMBAHAY'.
Lahat ng kasambahay na hindi higit sa 60 taong gulang at tumatanggap ng buwanang sahod na di bababa sa 1,000. nagtatrabaho ng mga pantahanang gawain tulad ng mga sumusunod:
a) Karaniwang kasambahay (maglinis,magluto,maglaba,mag-alaga ng bata/matanda,namamalantsa,nag-aayos ng hapag-kainan
b)yaya
c)kusinero/kusinera
d)hardinero
e)labandera
f)kasambahay na bata na may edad na labing-lima (15) hangang labing-walong (18) taong gulang
g)sinomang may kinalaman sa gawaing bahay na regular at palagian nyang hanapbuhay
MGA DI SAKLAW NG BATAS ang mga sumusunod:
a) kasambahay na sinusuplay ng service provider
b) mga tsuper/driver ng isang pamilya
c) mga batang nasa foster family arrangement
d) sinomang may kinalaman sa gawaing bahay ngunit paminsan-minsan lang
Sa ilalim ng 'Batas Kasamabahay' kung ang sweldo ng kasambahay sa isang buwan ay mababa sa 5,000 sasagutin ng household employer ang buwanang kontribusyon sa SSS.
Subalit kung ang kanyang buwanang sahod ay 5,000 o higit pa, ibabawas dito ang ang kaukulang bahagi ng kasambahay sa kontribusyon sa SSS. Ito ay buwanan ding ibabayad sa SSS ng household employer kasabay ng kanyang kaukulang bahagi sa kontribusyon. Ang bahagi ng isang kasambahay sa kontribusyon sa SSS ay katumbas ng 3.63%ng MSC, at 7.37% naman sa employer.
Bukod sa SSS, kailangan ding bayaran ng employer ang kontribusyon para sa Employees' Compensation, na ang kasalukuyang halaga ay 10.00 kada buwan.
Ang kasambahay ay may benepisyo sa ilalim ng batas ng SSS at EC tulad ng mga empleyado sa pribadong kumpanya. Ang mga sumusunod na benepisyo ay ang mga sumusunod:
✅Benepisyo ng Pagkakasakit
✅Benepisyo sa Panganganak
✅Benepisyo sa Pagkabalda
✅Benepisyo sa Pagreretiro
✅Benepisyo sa Pagkamatay
✅Benepisyo sa Pagpapalibing
✅Benepisyo sa ilalim ng Employee's Compensation (EC) Program
Bagamat ang mga family driver ay di kabilang sa IRR ng 'Batas Kasambahay', patuloy pa rin ang pagsaklaw sa kanila ng SSS bilang household employees alinsunod sa mga probisyon ng Labor Code of the Philippines, RA No. 7655, RA No. 8282 at SSS Circular No. 21-V. kailangang i-report ng kanyang employer ang family driver bilang empleyado.
TANDAAN:
Kung hindi tumupad sa kanyang obligasyon ang Househod employer ay maaari syang makasuhan ng paglabag sa dalawang batas--isa sa ilalim ng 'Batas Kasambahay' at isa sa ilalim ng Social Security Act of 1997.
<script async="async" data-cfasync="false" src="//pl16582048.highperformancegate.com/4b2147668d9db49b5be1d61fbcb73d35/invoke.js"></script>
<div id="container-4b2147668d9db49b5be1d61fbcb73d35"></div>
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento