SSS NON-WORKING SPOUSE


PARA MAGING MIYEMBRO NG SSS ANG ASAWA NA WALANG TRABAHO DAPAT AY:

☑️Legal na kasal sa isang sss member na employed, self-employed o OFW, na mayroong hulog na kontribusyon sa loob ng 6 na buwan bago ang petsa ng pagpaparehistro ng Non-working spouse.
☑️Hindi pa nagiging miyembro ng SSS
☑️Hindi lalagpas sa 60 taong gulang

Ang Non-working spouse (NWS) na wala pang SSS number ay dapat magpa rehistro o kung may dati ng SSS number (bilang Prior Registrant) at nais maging NWS, kailangang magpa rehistro gamit ang Member Data Change Request Form (SS Form E-4). Ang pirma ng asawang may trabaho, self-employed o OFW ay kailangan upang ipakita ang kanyang pagpayag sa pagiging miyembro ng kanyang asawa bilang Non-Working Spouse.

KINAKAILANGANG ID CARDS/DOKUMENTO PARA SA PAGKUHA NG SSS NUMBER

1.Birth Certificate
2.Kung walang birth certicate alinman sa mga sumusunod:
☑️Baptismal Certicate 
☑️Driver's License
☑️Passport
☑️PRC Card
☑️Seamans Book (Seafarer's Identification and Record Book)
and more🙂

ANO ANG RESPOSIBILIDAD NG Non-Working Spouse (NWS)?

☑️Bayaran ang kontribusyon alinsunod sa itinakdang deadline at schedule ng kontribusyon.
☑️Magbayad ng utang (kung meron) sa takdang panahon upang maiwasan ang penalty.
☑️Iminumungkahi na mag register sa My.SSS ng SSS website para makapag verify online
☑️I-Update ang kanyang Personal na impormasyon 
☑️Mag aplay ng Unified Multi-Purpise Identification (UMID) kung mayroon ng isang buwan na kontribusyon.

Ang kontribusyon ng NWS ay ibabase sa kalahati (50%) ng Monthly Salary Credit ng working spouse. kung ang kalahati ng idineklarang kita o sahod ay walang katumbas na MSC sa Contribution Schedule, ang susunod na mataas na MSC ang gagawing basehan. Ito ay maaaring bayaran over-the -counter,online at sa iba pang payment channels.

Ang deadline sa pagbabayad ng kontribusyon ay sa huling araw ng buwan kasunod ng applicable month o calendar quarter.

🔵Para sa advance payments, ang mga kontribusyon lamang na applicable sa buwan bago ang semester ng contingency ang isasama sa computation ng benepisyo,at ang natitirang halaga ay iki-credit sa account o ire-refund na lamang kung may final claim na, alinsunod sa tuntunin.
🔵Pwedeng magbayad ng buwanan,quarterly o semi-annual base sa payment deadline.
🔵Kung ang deadline ng pagbabayad ay pumatak ng sabado,Linggo,o holida, maaaring magbayad sa susunod na working day. Ang late payment ay ia-apply sa susunod na buwan.
🔵Walang kontribusyon na ibinayad retroactively base sa deadline ang masasama sa pagdetermina ng eligibility sa benepisyo kung saan ang contingency date ng pagbabayad ay sa loob o pagkatapos ng semester ng contingency.



Mga Komento

  1. ... Ako pohh Kaya makaka tanngap PA kc pohhh 2019 aqOhhh last nakapag hulog sa sss tapos Ginamit qOhhh Pohhh sahhh pag anak qOhhh tapos nakakuha pahh Pohhh aqOhhh NG maternity Kung pede pahhh Pohhh anuhhh Pohhh kelangang gawin Sana Pohhh masakit nyu tanung qOhhh maraming salamat Pohhh and God bless

    TumugonBurahin
  2. ... Ako pohh Kaya makaka tanngap PA kc pohhh 2019 aqOhhh last nakapag hulog sa sss tapos Ginamit qOhhh Pohhh sahhh pag anak qOhhh tapos nakakuha pahh Pohhh aqOhhh NG maternity Kung pede pahhh Pohhh anuhhh Pohhh kelangang gawin Sana Pohhh masakit nyu tanung qOhhh maraming salamat Pohhh and God bless

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

May Separation pay ba pag nag-resign?

KAILAN PWEDE I-WITHDRAW ANG PAG-IBIG CONTRIBUTION?

SSS CONSO LOAN