SSS SELF-EMPLOYED

Itinakda sa Section 9-A ng SSS Law, na ang pagkasakop ng mga self-employed na indibidwal ay sapilitan o compulsary kung sila ay may buwanang kita na P2,000 o higit pa mula sa sariling negosyo o propesyon  at walang employer.

Ang mga self-employed ay di dapat higit sa 60 taong gulang sa unang registration. 

SINO ANG MGA SELF-EMPLOYED?

a. Mga Propesyonal
b. Magkasosyo sa negosyo o may-ari ng isang negosyo
c. Mga artista,direktor,manunulat sa pelikula at mamamahayag na hindi maituturing na employedo
d. Mga propesyonal na atleta,couches,hinete, at tagapagsanay
e. Mga magsasaka at mangingisda
f. Mga mangagawa sa informal sector tulad ng nagtitinda sa palengke, o sa sidewalk,tricycle o jeepney drivers at iba pang katulad
g. Mga contractual at job order employees na nagtatrabaho sa isang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng Contract Service ngunit di saklaw ng GSIS Law 
h. Kahit sinong self-employed na indibidwal 
Ang sinumang nais na magparehistro ay kailangang mag submit ng (SSS Form E-1) kung kukuha pa lang ng SSS number,kasama ang original o certified true copy at photocopy ng birth certificate o anumang mga id o dokumento. E-4 kung mayroon ng SSS number. 
Mga Karagdagang Dokumento
1. PARA SA MAY ASAWA
•Marriage Contract/Certificate o kopya ng Member Data Change Request Form ng asawa na isinumite at natanggap ng SSS 
2. PARA SA BALO
•Marrige Contract/Certificate at Death Certificate ng pumanaw na asawa o Court Order on the Declaration of Presumptive Death
3. PARA SA LEGAL NA HIWALAY SA ASAWA
•Decree of Legal Separation
4. PARA SA ANNULED
•Certificate of Finality of Annulment /Nullitybo annotated Marriage contract/Certificate
5.PARA SA MGA DIBORSYADO
•Decree of Divorce at Certificate of Naturalization o ang katumbas nito
6. DIBORSYADO (MUSLIM MEMBERS)
•Certificate of Divorce (OCRG Form No. 102)
7.Para sa pagrehistro ng anak bilang beneficiaries alinman sa mga sumusunod:
•Birth Certificate/Baptismal
•Birth Certificate na may nakalagay na 'Legitamated'
•Decree of Adoption
8. Para sa lokal na enrollment sa SSS Flex-fund
•Valid Overseas Employment Certificate (OEC) o receipt mula POEA

📢TANDAAN❗
Dalhin ang original at photocopy sa pagsusumite ng dokumento
HALAGA NG BUWANANG KONTRIBUSYON  AT MSC

🔰Ang buwanang kita na i-dineklara sa kanyang registration form ang batayan ng halaga ng kontribusyon  at MSC.
🔰Kung wala pang 55 taong gulang, maaaring magapalit ng buwanang kontribusyon na walang limit sa dalas at sa bilang ng salary brackets sa loob ng isang taon.
🔰Kung 55 taong gulang na o higit pa,maaaring magtaas ng buwanang hulog at ng isang salary bracket nang isang beses lamang sa loob ng isang taon base sa huling naka-post na kontribusyon, kahit na mag-presinta ng proof of earnings.
🔰Kung ang huling naka-post na hulog ay nasa maximum at may bagong ipapatupad na MSC ng bagong Schedule of Contributions,papayagang magtaas sa bagong ipinapatupad na MSC
🔰Walang limit sa dalas at halaga ang ipapatupad sa pagbaba ng buwanang kontribusyon, ngunit di daapt ito bumaba sa minimum na MSC

DEADLINE SA PAGBABAYAD NG KONTRIBUSYON

Huling araw ng buwan kasunod ng applicable na month o calendar quarter,kung ano ang naaayon.
Kung ang payment deadline ay Sabado,Linggo, o Holiday maaaring magbayad sa susunod na working day. Ang late na hulog ay ia-apply sa susunod na buwan.
Di na pwede bayaran ang mga buwan na tapos na ang deadline.

Salamat sa Pagbabasa🙂

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MEDICAL ASSISTANCE: Mga dokumentong kailangan sa pagproseso ng DSWD Medical Assistance

PHILHEALTH INDIGENT: Qualifications at mga pwedeng Dependent

KAILAN PWEDE I-WITHDRAW ANG PAG-IBIG CONTRIBUTION?