SSS DEATH BENEFIT
BENEPISYO NG PAGKAMATAY
May dalawang uri ng benepisyo sa pagkamatay
1.Buwanang Pensiyon- Ipinagkakaloob ito sa pangunahing benepisaryo ng namatay na miyembro na nakapagbayad ng 36 na buwanang kontribusyon bago ang semester ng pagkamatay.
2.Lumpsum- ipinagkakaloob ito sa pangunahing benepisaryo ng namatay na miyembro na nakapagbayad ng kulang sa 36 na buwanang kontribusyon bago ang semester ng pagkamatay. kung walang pangunahing benepisaryo, ang mga pangalawang benepisaryo ay babayaran ng lumpsum amount.
Sino ang pangunahing benepisaryo?
🔰Legal na asawa
🔰Lehitimo o pinalehitimo na ampon
🔰Lehitimong anak na di pa umaabot sa 21 taong gulang o kung lagpas man ay walang kakayanang suportahan ang sarili dahil sa pisikal o mental na kapansanan na kanyang taglay simula pagkabata.
Kung walang pangunahing benepisaryo ang namatay, ang mga magulang ang ituturing na pangalawang benepisaryo, kung walang mga magulang, ang sinumang itinalaga ng miyembro sa kanyang SSS records ang ituturing na benepisaryo.Kung walang itinalaga benepisaryo, ang benepisyo ay babayaran sa kanyang legal na tagapagmana nang naaayon sa Law of Succession sa ilalim ng Civil Code sa Pilipinas.
Kung ang miyembro ay di nakapagbayad kahit isang kontribusyon ngunit nai-report sa SSS bilang empleyado, benepisyo lang sa pagpapalibing ang matatanggap ng benepisaryo.
Ang mga dependents ng isang namatay na miyembro ay makakatanggap ng Dependent's Pension na katumbas ng (10%) ng buwanang pensiyon ng miyembro, alinaman ang mas mataas. ito ay babayaran sa bawat anak na ipinagbuntis o legal na inampon bago o sa mismong petsa ng pagkamatay ng miyembro. Limang anak lamang simula sa pinakabata ang bibigyan ng dependent's pension,at walang substitusyon.
Ang mga itinuturing na dependents ay ang mga sumusunod:
1.Lehitimo,pinalehitimo, legal na inampon,at lehitimong anak na:
🔰walang asawa
🔰walang trabaho,at
🔰wala pang 21 taong gulang. sya ay may kapansanan simulab pagkabata o kaya ay nagkaroon ng kapansanan noong bata pa at walang pisikal o mental na kakayahan na suportahan ang sarili.
😥Ang Dependent's Pension ay matitigil kung ang dependent's ay
🔰namatay
🔰sumapit na sa 21 taong gulang, maliban na lamang may kapansanan
🔰nag-asawa
🔰nagkaroon ng permanenteng trabaho
Hangang kailan pwede mag file ng Death Claim?
🔰 Walang itinakdang panahin o prescriptive period ang pagpa-file ng unang aplikasyon para death benefit
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento