SSS Voluntary Member

SINO ANG PWEDENG MAGING VOLUNTARY MEMBER?

Ang Voluntary member ay sinumang miyembro ng SSS na dati na-cover o nakapagbayad kahit isang buwang kontribisyon bilang empleyado,self-employed,o Overseas Filipino worker na ninais magpatuloy na magbayad ng konribusyon bilang boluntaryo.

ANG PAGIGING VOLUNTARY MEMBER AY SAKLAW NG MGA SUMUSUNOD NA KONDISYON
✅Ang miyembro na 60 taong gulang pataas(ngunit hindi lalagpas ng 65) na may 120 o higit pa na buwanang kontribusyon ay maaaring magpatuloy sa pagbayad hangang sa ika-65 taong gulang niya upang makakuha ng benepisyo

✅Ang miyembro na 65 taong gulang pataas na hindi aabot sa 120 buwanang kontribusyon ay maaaring magpatuliy sa pagbabayad bilang voluntary member hangang makumpleto ang 120 buwanang  kontribusyon upang maging kwalipikado sa pension.

Ang dating employed,self-employed o OFW member ay di na kailangang magpa- rehistro muli o magpasa ng dokumento dahil otomatiko itong magbabago oras na magbayad ng kontribusyon bilang voluntary member 

Ang halaga ng buwanang kontribusyon na babayaran ng miyembro ay nakabase sa pinakahuling Schedule Schedule of Contributions.

Ang DEADLINE SA PAGBABAYAD NG KONTRIBUSYON ay huling araw ng buwan kasunod ng applicable month o calendar quarter ,kung ano ang naaayon.

🟢Para sa mga advance payments, ang mga kontribusyon lamang na applicable sa buwan bago ang semester ng contigency ang isasama sa computation ng benepisyo, at ang natitirang halaga ay iki-credit sa account o ire-refund na lamang kung may final claim na.
🟢Maaaring magbayad ng buwanan,quarterly, o semi-annual base sa payment deadline.
🟢Kung ang payment deadline ay Sabado,Linggo, o holiday maaaring magbayad sa susunod na working day. Ang late payment ay ia-aplay sa susunod na buwan.
🟢Walang kontribusyon na ibinayad retroactively base sa deadline ang masasama sa pagdetermina ng eligibility sa benepisyo kung saan ang contingency date ng pagbabayad ay sa loob o pagkatapos ng semester ng contingency.

Thank you sa Pagbabasa😹


Mga Komento

  1. Bakit sabi po ng taga SSS, depende na sa member kung magkano ang kaya/gusto nyang ihulog/kahit hindi sundin yang nasa table?

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

May Separation pay ba pag nag-resign?

KAILAN PWEDE I-WITHDRAW ANG PAG-IBIG CONTRIBUTION?

SSS CONSO LOAN