May Separation pay ba pag nag-resign?
May matatanggap bang separation pay pag ikaw ay nag-resign?
Ang isang empleyado na nag-resign ( Voluntary resignation) ay walang matatanggap na separation pay, tanging ang mga empleyadong tinanggal sa trabaho ang binibigyan nito ( Article 297-298 ng labor code) halimbawa ang pagsasara o ang pagbabawas ng kompanya ng empleyado upang masalba sa pagkalugi.
Pero ito ay may EXCEPTIONS, makakatanggap ka ng separation pay kung ito ay nakasaad sa kontrata na iyong pinirmahan o sa Collective Bargaining Agreement (CBA). O di kaya ay kung matagal nang practice ng kompanya ang pagbibigay ng separation pay o anumang halaga sa mga kusang aalis na empleyado.
Dapat rin bang makatanggap ng 13th month Pay?
Dapat ay may 13th pay na matatanggap ang sinumang nag-resign sa isang kompanya na ayon sa 13th month pay law. Ang 13th month pay ay katumbas ng 1/12 ng kabuuang sweldo na natanggap sa isang calendar year. Di kailangang isang buong taon ang ginawang pagseserbisyo ng isang empleyado.
Salamat sa pagbabasa Smile🙂 Always.
<script async="async" data-cfasync="false" src="//pl16582048.highperformancegate.com/4b2147668d9db49b5be1d61fbcb73d35/invoke.js"></script>
<div id="container-4b2147668d9db49b5be1d61fbcb73d35"></div>
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento