PHILHEALTH: Lifetime member o Senior Citizen? anong pagkakaiba?


Alamin kung kayo ba ay LIFETIME MEMBER o SENIOR CITIZEN MEMBER ng Philhealth.

Para sa LIFETIME MEMBER (Filipino o mamamayan ng ibang bansa) narito ang kwalipikasyon:

👴60 taong gulang pataas para sa retiradong SSS at GSIS member o self-paying member
👵56 taong gulang para sa mga retiradong uniformed personnel ng AFP,PNP,BJMP, at BFP
👴55 taong gulang para sa mga retiradong underground mine workers na miyembro ng SSS
👵May 120 buwang kontribusyon o higit pa. Kapag narehistro na sa LIfetime Member Program ay hindi na kailangang mag contribute ng premium maliban na lang kung nagkaroon muli ng regular na source of income.

SINO ANG MGA KWALIPIKADONG DEPENDENT?
👴Lehitimong asawa na hindi Philhealth member
👵Anak na mababa sa 21 taon, walang trabaho at walang asawa
👴Anak na 21 taon o higit pa ngunit may kapansanan (maaaring ma-enroll bilang PWD principal member)
👵Foster child yon sa Foster Care Act of 2012

Mga kailangan sa pagpaparehistro:

🟡Pinunan at pinirmahang PhilHealth Member Registration Form (PMRF)
🟡Dalawang latest 1x1 Id picture
🟡1 valid government issued id
🟡Mga akmang dokumento na nagpapatunay ng pagreretiro at hulog na 120 buwan ng kontribusyon

Ang employer ang magsusumite ng aplikasyon at iba pang kailangang dokumento sa Philhealth tatlong buwan bago ang petsa ng pagreretiro ng empleyado.

Para sa SENIOR CITIZEN MEMBER (Filipino)Narito ang kwalipikasyon:

👴60 taong gulang
👵Sagot ng gobyerno ang PHILHEALTH premiums nang mga Senior Citizen na wala pang 120 ang buwang kontribusyon

SINO ANG MGA KWALIPIKADONG DEPENDENT?
👴Lehitimong asawa na hindi Philhealth member
👵Anak na mababa sa 21 taon, walang trabaho at walang asawa
👴Anak na 21 taon o higit pa ngunit may kapansanan (maaaring ma-enroll bilang PWD principal member)
👵Foster child yon sa Foster Care Act of 2012

Mga kailangan pagpaparehistro:
🟡Pinunan at pinirmahang PhilHealth Member Registration Form (PMRF)
🟡Kopya ng Senior Citizen ID na may petsa ng kapanganakan.





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

May Separation pay ba pag nag-resign?

KAILAN PWEDE I-WITHDRAW ANG PAG-IBIG CONTRIBUTION?

SSS CONSO LOAN