SSS CONSO LOAN
COVERAGE ng PROGRAMA
☑️Salary loan,kasama ang salary loan early renewal program
☑️Calamity loan
☑️Emergency loan
☑️Restructed loan
Paano ma-Qualify?
1. Mayroong loan account/s na naka-Past due sa oras ng consolidated loan program
Ang past due ay ang loan ng member na binubuo ng principal amount, interest at penalties na katumbas ng higit sa tatlong (3)buwan na monthly amortizations o loan balance matapos ang maturity o loan payment term na di nabayaran.
2.Hindi pa nabigyan ng final benefit gaya ng total permaneng disability o retirement
3. Hind na-disqualify dahil sa pangloloko sa SSS
4. May active MY.SSS Account dahil online ang filing neto.
PAANO BABAYARAN ANG CONSO LOAN?
1. One-time payment
full payment sa loob ng 30 calendar days mula sa notice of approval, ang below 5000 ay dapat one-time payment.
2. Installment
Ito ay may down payment na at least 10% mula sa total amount at dapat bayaran sa loob ng 30 calendar days mula sa approval. Ang natitirang balanse ay hahatiin in equal monthly amortization.
TANDAAN:
Ang defaulted consolidated loan ay pwedeng ibawas sa makukuhang benepisyo ng member-borrower/beneficiary/ies gaya ng sickness,maternity,at partial disability at sa final benefit gaya ng retirement,total permanent disability o death.
KAILAN PWEDE MAG LOAN PAGKATAPOS NG CONSOL LOAN?
☑️After 3 months pagkatapos ang full payment ng consol loan
☑️ After 2 years pagkatapos mabayaran ng full payment ang consol loan kung di masunod ang takdang pagbabayad (default).
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento