PAANO NGA BA MAG UPGRADE NG UMID-ATM
Sa mga miyembro na may pending UMID application at hindi pa natatanggap ang kanilang UMID Card, mayroon na lang kayo hanggang ika-31 ng Agosto 2023 para magdesisyon kung:
1 magbigay ng inyong consent para mag-upgrade sa bagong UMID ATM Pay Card ng UnionBank, o
2 i-confirm sa SSS na ang generic
UMID Card ang nais ninyong matanggap.
ANO ADVANTAGE NG PAG-UPGRADE?
Matapos makapag-enrol sa Union Bank, maipapadala ang inyong UMID ATM Pay Card sa loob ng one (1) month para sa mga nakatira sa National Capital Region (NCR), at 1.5 months para sa mga nakabase sa probinsiya.
Ang UMID ATM Pay Card ay awtomatikong magsisilbing disbursement account ninyo para sa SSS benefit and loan proceeds; hindi na kailangan i-enrol pa sa inyong My.SSS Account.
Maaari ding gamitin ang inyong UMID ATM Pay Card sa pag-iipon o pagbabayad sa in-store o online transactions.
PAANO MAG-UPGRADE SA UMID ATM PAY CARD?
Mag-login sa inyong My.SSS Account (o gumawa nito, kung wala pa); siguruhin na ang inyong SSS information ay tama at updated.
Sa inyong My.SSS Account, i-access ang "Services" menu para magbigay ng inyong consent para i-share ng SSS ang inyong UMID application data sa UnionBank.
I-download ang UnionBank Online App at piliin ang "Open an Account" pagkatapos ay "Government Card with Savings Account" at i-click ang "SSS UMID ATM Pay Card Account".
Matapos kumpletuhin ang inyong UMID Pay Card account, ipapadala ng Union Bank ang inyong card sa loob ng 30 hanggang 45 days.
Kapag nakuha na ang card, i-activate ito at mag-assign ng PIN gamit ang UnionBank Online App.
LAHAT BA NG MAY PENDING UMID CARD APPLICATION AY PWEDE MAG-UPGRADE?
Ang mga sumusunod ay hindi maaaring mag-upgrade at awtomatikong padadalhan ng generic UMID Card:
Non-Filipino citizens;
Mga nag-apply para sa UMID Card sa SSS Foreign Offices; at
Mga may card replacement application.
PAANO KUNG AYAW MAG-UPGRADE?
Ang processing ng generic UMID Card ay sa first in-first out basis o kung kailan nagconfirm online ang miyembro na ito ang pinili niya.
Magpapadala ng text message ang SSS sa miyembro kapag gawa na ang UMID Card nito at kung kailan pwede nang kunin ito sa SSS branch kung saan nag-apply para sa Card. Maaaring abutin ng isang buwan para sa mga may address sa NCR at dalawang buwan para sa may address sa probinsiya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento