SOCIAL PENSION: 500 MONTHLY Para sa mga Senior Citizen

Ano ang Social Pension for Indigent Senior Citizens Program?

Ang Social Pension for Indigent Senior Citizens Program ay programa ng Pambansang Gobyerno na nagsisilbing dagdag tulong sa mga mahihirap na matatanda para sa kanilang pang-araw-araw na pantustos at medikal na pangangailangan. Sa ilalim ng programang ito, makatatanggap ng pensyon kada semestre ang mga kwalipikadong benepisyaryo.

Photo:DSWD

Sino-sino ang maaaring tumanggap ng pensyon mula sa programang ito?

Sa ilalim ng programang ito, maaaring maging benepisyaryo ang kahit sinong senior citizen o iyong may edad na 60 taong gulang o pataas na:

May sakit o may kapansanan.

✅Walang tinatanggap na pensyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), Armed Forces and Police Mutual Benefits Association, Inc. (AFPMBAI) o iba pang insurance.

✅Walang permanenteng pinagkukunan ng kita.

✅Walang regular na suporta mula sa pamilya o kamag-anak para sa kaniyang pangunahing pangangailangan.



Paano ang proseso para makapasok sa programang ito?

1.Maaaring magrekomenda ang Barangay Senior Citizens Association (BSCA) o magpasa ng listahan ng mga senior citizens na pasok sa pamantayan ng programa, kasabay ng mga Application Forms sa Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) o sa City/ Municipal Social Welfare Development Office (C/MSWDO).

2.Sakaling wala sa listahan na isinumite ng BSCA, maaari ring magwalk-in o magrefer deretso sa OSCA o sa pinakamalapit na Field Office ng DSWD.

3.Lilikumin ng OSCA ang mga listahan ng maaaring benepisyaryo. Bibigyang patunay ng Local Social Welfare Office (LSWDO) at saka ipapasa sa DSWD para sa validation o pagpapatunay na pasok ang aplikante sa mga pamantayang nabanggit.

Sa validation, tutukuyin ng DSWD kung ang isang aplikante ay nakatatanggap na ng pensyon mula sa ibang institusyon.

4.Magsasagawa ng assessment ang DSWD kung saan kailangang magpresenta ng aplikante ng kanyang OSCA ID o Birth Certificate. Maaari ring magpresenta ng kahit anong valid government ID na naglalaman ng kanyang kaarawan. Kasabay nito ay tutukuyin din na tama ang tirahang inilahad sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Punong Barangay ng aplikante.

5.Ang resulta ng assessment at validation ay susuriin ng DSWD at kung kumpleto ay aaprubahan ng Direktor ng DSWD Field Office. Ang pinal na listahan ay ibabahagi sa OSCA LSWDO para sa kanilang pagsangguni.

6.Sakaling natanggap, ipapaalam ito sa senior citizen o sa kaniyang pamilya at sa pinuno ng Senior Citizens Organization sa pamamagitan ng isang sulat.

Photo:DSWD

Paano ang proseso ng pamamahagi ng pensyon?

1.Ang pamamahagi ng pensyon o pay-out kung tawagin ay iniiskyedyul ng DSWD sa pakikipag-ugnayan sa OSCA at LSWDO. Ang OSCA at LSWDO ang siyang mag-aabiso sa mga benepisyaryo ukol
sa pay-out.

2. Upang makuha ang pensyon, kailangan lamang magpresenta ng benepisyaryo ng kanyang OSCA ID o kahit anong valid government ID o federation ID na naglalaman ng kanyang kaarawan.

3. Sakaling kinatawan ng benepisyaryo ang siyang kukuha ng pensyon, kailangang magpresenta ng kinatawan ng:

1. Orihinal at photocopy ng kanyang ID o valid certification.

ii. ID ng benepisyaryo.

iii. Liham mula sa benepisyaryo na naglalahad ng pangalan ng kinatawan at rason kung bakit hindi kayang personal na kumuha ng pensyon.

Tanging ang kinatawan lamang na pinahintulutan ng benepisyaryo at nakarehistro sa DSWD Field Office ang siyang papayagang kumuha ng pensyon. Maaaring magtalaga ng hanggang tatlong (3) kinatawan ang benepisyaryo na irerehistro sa DSWD Field Office.

Maaari bang maalis ang benepisyaryo mula sa programa?

Ang isang benepisyaryo ay maaaring maalis sa programa at hindi na makatanggap ng pensyon kung mapatunayan na:

1.Pumanaw na ang benepisyaryo.

2.Permanenteng lumipat na ng tirahan ang benepisyaryo.

3.Hindi na matunton ang tirahan ng isang benepisyaryo sa loob ng anim (6) na buwan.

4.Tumatanggap ng pensyon mula. sa GSIS, SSS, AFPMBAI, o iba pang insurance.

5.May regular na pinagkukunan ng kita o suporta mula sa pamilya o kamag-anak.

6.Pagliban sa iskedyul ng payout sa lood ng anim na buwan.

Sakaling may maalis na benepisyaryo mula sa listahan, ipoproseso ng DSWD ang mga susunod sa prayoridad o kwalipikadong mga nakatatanda na hindi pa nakakapasok sa programa. Prayoridad ang mga senior citizens na nasa parehong barangay.

Saan maaaring magreklamo ukol sa iregularidad sa programang ito?

Maaaring idulog ang mga reklamo ukol sa pagpapatupad ng programang ito sa pinakamalapit na opisina ng DSWD. Magsasagawa ng assessment at validation ang DSWD ukol sa reklamo upang tukuyin ang mga nararapat gawin at saka tatalakayin sa OSCA at LSWDO.













Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MEDICAL ASSISTANCE: Mga dokumentong kailangan sa pagproseso ng DSWD Medical Assistance

PHILHEALTH INDIGENT: Qualifications at mga pwedeng Dependent