Libreng Sakay sa LRT-2


Bilang pagbibigay-pugay sa mga Pilipina ngayong Women’s Month, maghahandog ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 para sa mga kababaihan ngayong  Marso 8, araw ng Sabado.

Magsisimula ang libreng sakay para sa mula ika-7 hanggang ika-9 ng umaga at masusundan mula ika-5 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi.

Mangyari lamang na magtungo sa ticket booth ang mga babaeng pasahero upang makakuha ng libreng ticket.



Bukod dito, mayroon ding libreng gupit para sa unang 30 pasahero sa Marso 12 sa Antipolo Station gayundin sa Cubao Station sa Marso 19 at Marso 26.

Sa Marso 5 naman, mamamahagi ng rosas ang pamunuan ng LRT-2 para sa mga kababaihan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MEDICAL ASSISTANCE: Mga dokumentong kailangan sa pagproseso ng DSWD Medical Assistance

KAILAN PWEDE I-WITHDRAW ANG PAG-IBIG CONTRIBUTION?

SSS CONSO LOAN