Mga Post

Libreng Sakay sa LRT-2

Imahe
Bilang pagbibigay-pugay sa mga Pilipina ngayong Women’s Month, maghahandog ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 para sa mga kababaihan ngayong  Marso 8, araw ng Sabado. Magsisimula ang libreng sakay para sa mula ika-7 hanggang ika-9 ng umaga at masusundan mula ika-5 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi. Mangyari lamang na magtungo sa ticket booth ang mga babaeng pasahero upang makakuha ng libreng ticket. Bukod dito, mayroon ding libreng gupit para sa unang 30 pasahero sa Marso 12 sa Antipolo Station gayundin sa Cubao Station sa Marso 19 at Marso 26. Sa Marso 5 naman, mamamahagi ng rosas ang pamunuan ng LRT-2 para sa mga kababaihan.

SOCIAL PENSION: 500 MONTHLY Para sa mga Senior Citizen

Imahe
Ano ang Social Pension for Indigent Senior Citizens Program? Ang Social Pension for Indigent Senior Citizens Program ay programa ng Pambansang Gobyerno na nagsisilbing dagdag tulong sa mga mahihirap na matatanda para sa kanilang pang-araw-araw na pantustos at medikal na pangangailangan. Sa ilalim ng programang ito, makatatanggap ng pensyon kada semestre ang mga kwalipikadong benepisyaryo. Photo:DSWD Sino-sino ang maaaring tumanggap ng pensyon mula sa programang ito? Sa ilalim ng programang ito, maaaring maging benepisyaryo ang kahit sinong senior citizen o iyong may edad na 60 taong gulang o pataas na: ✅ May sakit o may kapansanan. ✅Walang tinatanggap na pensyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), Armed Forces and Police Mutual Benefits Association, Inc. (AFPMBAI) o iba pang insurance. ✅Walang permanenteng pinagkukunan ng kita. ✅Walang regular na suporta mula sa pamilya o ka...

MEDICAL ASSISTANCE: Mga dokumentong kailangan sa pagproseso ng DSWD Medical Assistance

Imahe
Para sa Medical Assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), maaari pong makipag-ugnayan sa DSWD Field Office o SWAD Office na nakakakasakop o pinakamalapit sa inyong lugar mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 A.M. hanggang 5:00 P.M., para maproseso ang inyong hinihinging tulong. Siguraduhin po lamang na kumpleto ang mga kinakailangang dokumento tulad ng mga sumusunod:  ORIHINAL O CERTIFIED TRUE COPY NG MGA SUMUSUNOD:  PARA SA HOSPITAL BILL: 1.Medical Certificate/ Clinical Abstract/ Medical Abstract na may kompletong pangalan na doctor, lisensya at pirma. (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor)  2. Statement of Account (SOA) o Hospital Bill na may buong pangalan at pirma ng billing clerk ng ospital. (Ang petsa ng dokumento ay dapat hindi lalagpas ng 3 buwan simula ng itong nairelease ng doktor) 3.Endorsement Letter mula sa hospital   4.Promissory Note (PN) na may...

PAANO NGA BA MAG UPGRADE NG UMID-ATM

Imahe
Sa mga miyembro na may pending UMID application at hindi pa natatanggap ang kanilang UMID Card, mayroon na lang kayo hanggang ika-31 ng Agosto 2023 para magdesisyon kung: 1 magbigay ng inyong consent para mag-upgrade sa bagong UMID ATM Pay Card ng UnionBank, o 2 i-confirm sa SSS na ang generic UMID Card ang nais ninyong matanggap. ANO ADVANTAGE NG PAG-UPGRADE? Matapos makapag-enrol sa Union Bank, maipapadala ang inyong UMID ATM Pay Card sa loob ng one (1) month para sa mga nakatira sa National Capital Region (NCR), at 1.5 months para sa mga nakabase sa probinsiya. Ang UMID ATM Pay Card ay awtomatikong magsisilbing disbursement account ninyo para sa SSS benefit and loan proceeds; hindi na kailangan i-enrol pa sa inyong My.SSS Account. Maaari ding gamitin ang inyong UMID ATM Pay Card sa pag-iipon o pagbabayad sa in-store o online transactions. PAANO MAG-UPGRADE SA UMID ATM PAY CARD? Mag-login sa inyong My.SSS Account (o gumawa nito, kung wala pa); siguruhin na ang inyong SSS ...

ACOP: EXTENDED!

Imahe
Inanunsyo muli ng Social Security System ang extension para sa mga di pa nakapag ACOP na mga Pensioners mula taong 2021. ito ay pinalawig na muli hangang March 31,2023. SINO ANG DAPAT MAG-ACOP? 🔴Retirement Pensioners na naninirahan sa ibang bansa. 🔴Total Disability Pensioners 🔴Survivor Pensioners pati na ang mga Dependent children( minor,incapacitated) at kasama ang guardian. 💚Ang mga Retirement Pensioners na nakatira sa Pilipinas ay di na muna kailangan mag-comply. Simula April 01,2023 susundin na muli ang karaniwang Schedule ng Acop compliance. 🔴Retirement Pensioners na nakatira sa ibang bansa. *Buwan ng kapanganakan 🔴Total Disability Pensioners *Buwan ng kapanganakan 🔴Survivor Pensioners *Buwan ng kapanganakan ng namatay na miyembro 🔴Dependent Children ( minor,incapacitated) kasama ang guardian *Buwan ng kapanganakan ng namatay na miyembro. 🔥REMINDERS🔥 ☑️Ang Acop reply form ay pwedeng i-download sa www.sss.gov.ph ☑️Di na kailangan pang mag submit ng...

SSS CONSO LOAN

Imahe
COVERAGE ng PROGRAMA ☑️Salary loan,kasama ang salary loan early renewal program ☑️Calamity loan ☑️Emergency loan ☑️Restructed loan Paano ma-Qualify? 1. Mayroong loan account/s na naka-Past due sa oras ng consolidated loan program        Ang past due ay ang loan ng member na binubuo ng principal amount, interest at penalties na katumbas ng higit sa tatlong (3)buwan na monthly amortizations o loan balance matapos ang maturity o loan payment term na di nabayaran. 2.Hindi pa nabigyan ng final benefit gaya ng total permaneng disability o retirement 3. Hind na-disqualify dahil sa pangloloko sa SSS 4. May active MY.SSS Account dahil online ang filing neto. PAANO BABAYARAN ANG CONSO LOAN? 1. One-time payment full payment sa loob ng 30 calendar days mula sa notice of approval, ang below 5000 ay dapat one-time payment. 2. Installment Ito ay may down payment na at least 10% mula sa total amount at dapat bayaran sa loob ng 30 calendar days mula sa approval. Ang natit...

BAGONG SSS LOAN POLICY

Imahe
May bagong patakaran ngayon ang SSS  para sa lahat ng individually paying member's (self-employed,voluntary,non-working spouse,land-based OFW-member's) na gustong makapag short-term loan (salary,calamity etc.) kinakailangan na meron ng atleast 6 months posted contributions sa ilalim ng kasalukuyang coverage o membership type bago ang buwan ng loan application. HALIMBAWA: Kung isang dating empleyado ay nag-resign at naging VOLUNTARY MEMBER simula JULY 2022, maaari lamang siyang makapag-file ng short-term loan (salary,calamity) application simula JAN.2023, anim na buwan matapos ang regular na paghuhulog ng kontribusyon bilang voluntary member. Ang iba pang kasalukuyang guidelines sa short-term member loans ay patuloy na ipinatutupad. GUIDE SA PAG PAG-ENROLL NG BANK ACCOUNT; Siguraduhing parehas ang Bank account name sa record ng SSS, ilagay ang tamang bank account number hindi ang card number at siguraduhinh ito ay di pa expired/dormant. Para sa ATM ...